png-file-e1657997783451.png

Tagalog

Boto K Patrice Williams

K. Patrice Williams:

EDUKASYON AT MGA KUWALIPIKASYON:

Ako ay mahigit 20 taong kasal na sa aking mahal na asawa. Magkasama naming pinalaki ang aming dalawang anak na lalaki. Nagtapos sa Rodriquez High School ang aming nakababatang anak. Samantalang ang aming nakatatandang anak ay namatay sa isang aksidente. Ginagawa namin ang lahat upang maibigay ang mga pangangailangan ng aming anak, mahirap man ito kung minsan ngunit sinisikap namin na maging malakas pa kumpara noon.

Batid ko ang mga pananagutan sa pagpapalakas ng Fairfield dahil ginawa ko na ito noon. Dahil sa pandemya, nahirapan ang aking negosyo. Ngunit nagsikap ako at nagsimulang makakuha ng mga kontrata at nakapagbigay ng trabaho sa aking grupo na kinabibilangan ng 12 na tao. Nakapagtatag din ako ng isang transisyonal na tahanan para sa aming komunidad na walang masilungan at pangalanan itong Hazel, sunod sa pangalan ng aking ina.

Gusto natin ng isang masigla, lokal na ekonomiya kung saan may maunlad na mga kabuhayan, ligtas na lugar at may magandang solusyon para sa pagpapabahay. Ito ay madali at simple lang: kailangan natin ng mga trabaho na mayroong mataas na pagpapasahod at dagdagan ang pabahay – upang makayanan natin ang manirahan at magtrabaho dito.

Maaari ninyong suportahan si Assemblymember Lori Wilson; SCOE Superintendent Lisette Estrella-Henderson; Councilmember Doriss Panduro; Fairfield-Suisun Unified School District Trustee Ana Petero at ang iba pang nahalal na mga opisyal, mga nangunguna sa komunidad at iba pang mga kasama para sa pagsuporta sa aking kampanya sa www.KPatriceforFairfield.com.

Sa pamamagitan ng inyong pagsuporta at aking pangunguna, masisigurado natin ang pag-unlad ng Fairfield. At dahil doon, tumatakbo ako bilang inyong City Council at hinihingi ang inyong suporta.